sábado, 7 de diciembre de 2019

Paskong Pilipino Mula sa Lente ng Isang Pilipino

In partial completion of FILI 11.1 F-113: Sir John Paul Sarce 
Ateneo de Manila University

There is nothing quite like a Filipino Christmas, ang sabi ng asawa ng tita ko habang kaming magpapamilya ay nagsasalu-salo sa hapagkainan noong nagdiwang kami ng Pasko sa kanila. At totoong kakaiba ang Pasko sa Pilipinas. Mula sa mga pagkain na pinagsasaluhan tuwing Simbang Gabi at Noche Buena hanggang sa mga tradisyon na hindi nawawala kapag nagsama-sama ang buong pamilya, masasabi kong kakaiba talaga ang Pasko ng mga Pilipino.

Simula palang ng buwan ng Septyembre ay maririnig mo na ang mga Christmas jingles, carols, and songs sa mga pampublikong lugar tulad ng malls at coffee shops. Kahit sa mga jeepney at tricycle ay pinapatugtog ng mga drayber ang mga kantang pang Pasko. Syempre, hindi mawawala sa Christmas playlist ng isang Pilipino ang Christmas theme song ng Pilipinas na "Christmas in Our Hearts" ni Jose Mari Chan.

Tuwing Septyembre rin ay nagsisimula ng magdecorate at magtayo ng Christmas tree na may nakapalibot na mga makulay na palamuti at mga kumukuti-kutitap na mga Christmas lights ang mga bahay pati na rin sa mga eskwelahan at malls. May kasama pang countdown kung ilang araw nalang ang natitira bago mag Pasko. Tinanong ng aking kaklaseng Koreano noong high school kung bakit napakaaga magdecorate ng mga Pilipino tuwing Pasko at ang sinabi ko ay, "of course, it's Christmas already".



Ang Christmas tree ay makikita sa mga tahanan ng mga Pilipino. Ito ay pinapalibutan ng mga makukulay na palumuti at laso, at mga bumubusilak na ilaw mula sa mga Christmas lights. Ito ang simbolo na panahon na para ipagdiwang ang Pasko. 

No photo description available.
Maliban sa Christmas tree, ang Belen o ang Nativity of Jesus Christ ay laging makikita tuwing Pasko. Pinapakita ng Belen na ito ang "Filipino resilience" o ang katangian ng mga Pilipinong bumangon at maging masaya sa gitna ng mga kalamidad. 

[picture of parol]
Isa ring mahalagang dekorasyon tuwing Pasko sa Pilipinas ang Parol, isang Christmas lantern na naimpluwensyahan mula sa mga Mexicano. Madalas ito ay gawa sa kawayan at mga Japanese paper. May mga Parol din na umiilaw na madalas nakikita sa mga tahanan ng Pilipino.

Nakasasabik talaga maging Pilipino tuwing Pasko dahil sa magkabilaang Christmas sale na meron ang mga malls. Tuwing Christmas sale din ay mas matagal ang opening hours ng mga mall at nagdadagsaan ang mga tao, abalang-abala sa pamimili ng mga regalo pang exchange gift at pangregalo sa kani-kanilang mga Monito at Monita. Nagtatagal ang mga Christmas sale ng ilang buwan hanggang mag Disyembre. Ngayon, dahil sa pagsikat ng online shopping sa mga Pilipino ay nakikisabay na rin sa trend na ito. Isang halimbawa nito ay ang Shopee Christmas sale kung saan ang iba't-ibang online shops ay nagsasale at nag-ooffer ng free shipping. Aaminin ko at nakikilahok din ako sa mga Christmas sale dahil nakakatipid ako sa mga bilihin.

Hindi rin nawawala sa tradisyon ng Paskong Pilipino ang Simbang Gabi o Misa de Gallo kung saan nagdadagsaan ang mga tao sa simbahan tuwing madaling araw para magnovena bago mag Pasko. Sabi nila na pag nakumpleto ng isang tao ang siyam na araw ng misa sa Simbang Gabi ay matutupad saw ang kanilang mga kahilingan. Bilang isang Katoliko, ang pamilya namin ay dumadalo sa Simbang Gabi. Dahil ako rin ay isang choir member ng aming parokya ay nagseserve din ako tuwing Simbang Gabi.

Image may contain: 9 people, including Rach Kempis and Ailyn Belgica, people smiling
Mga iilang miyembro ng Our Lady of Peace Parish Music Ministry pagkatapos ng Simbang Gabi



No photo description available. 
Simbang Gabi 2017, kasama sina Ate Karla, Ate Ailyn, at ang mga iilang miyembro ng Our Lady of Peace Parish Music Ministry at si Father Mel Estores 

Pagkatapos ng misa ay may libreng palugaw at minsan, sopas ang parokya. Lagi kong kasama ang aking mga ka-choir mates para kumain. Hindi rin mawawala ang mga nagbebenta ng mainit na puto bumbong at bibingka na may kasamang salabat na lagi naming kinakain at iniinom pagkatapos ng misa.

Tuwing Pasko rin ay nangangaroling kami bilang isang fundraising para sa simbahan. Ang pangangaroling ay isa sa mga highlight ng Christmas experience ko dahil dito ko nakakasama ang mga kaibigan ko habang ginagawa namin ang nakakasaya sa amin.

Image may contain: 14 people, including Maric Anzaldo and Jonathan Pascua, people smiling, people sitting and indoor
Ang 8 AM Choir ng OLPP pagkatapos mag-ensayo para sa darating na Christmas Caroling event

Higit pa sa pangangaroling naming Music Ministry ay marami ring mga bata ang nangangaroling sa lansangan. Dala-dala nila ay mga lata at plastic tupperware na nagsisilbing drums para sa beat ng kanta at mga butas na tansan (metal bottle cap ng mga carbonated drinks) na pinagsama-sama sa isang alambre na nagsisilbing headless tambourine o jingle ring. Gamit ang mga instrumentong ito ay kinakanta nila ang mga walang kamatayang kantang "Tuwing Sasapit Ang Pasko", "Pasko Na Naman", "Christmas in Our Hearts" at iba pa. Minsan ay mapapakanta at mapapasabay ka nalang din sa kanila habang kinakanta nila ang "Pasko na naman, o kay tulin ng araw. Paskong nagdaan tila bago kaylan lang. Ngayon ay pasko dapat pasalamatan. Ngayon ay pasko tayo ay mag awitan!" Kahit sintunado, ang mahalaga ay masaya ang lahat. Bigyan niyo man sila o hindi ng barya sa kanilang pangangaroling ay kakanta sila ng pasasalamat bago umalis at mangaroling sa ibang bahay.


Hinding-hindi mawawala sa tradisyon ng Paskong Pilipino ang magkabilaang Christmas party at exchange gift. Madalas ay gumagala kaming mga magkakaibigan sa eskwelahan pagkatapos ng Christmas party.

Image may contain: 17 people, including Froilan S. Rivera, Andrea Camago, Christine Anne Roa and Angel Balucating, people smiling, indoor
Christmas party ng Grade 12 Wisdom sa aking paaralan noong senior high school kasama ang aming adviser na si Sir Froilan Rivera

Image may contain: 7 people, including Joaquin Angelo Esquivel Saldivar, people smiling
Sina Angel at Tony naglalaro ng "Jack en Poy"  sa Christmas party

Image may contain: 2 people
Pagpapalitan ng mga regalo pagkatapos kumain

Image may contain: 11 people, including Christine Anne Roa, Andrea Camago and Joaquin Angelo Esquivel Saldivar, people smiling
Mga iilang mag-aaral mula sa Grade 12-Wisdom pagkatapos ng Christmas party sa paaralan


Dito kami nakakapagbonding at nagsasama-sama mga magkakaibigan pagkatapos ng semestre.

Isa rin sa mga pinakapaborito kong kaganapan pag Pasko ay ang Noche Buena. Pagsapit ng hatinggabi ng ika-25 sa Disyembre ay nagsasalu-salo ang buong pamilya at mga iilang kaibigan para kumain at magdiwang ng Pasko. Hindi mawawala sa aming hapagkainan ang lechon, Filipino sweet spaghetti, Christmas ham na hamon de bola, adobo, finger foods tulad ng chicken lollipop, potato salad, at lumpiang Shanghai at mga dessert tulad ng fruit salad, mga prutas, cake, leche flan, bico, at iba't-ibang mga kakanin.

No photo description available.
Lechon: ang highlight ng handaan tuwing Noche Buena. Mga pagkain na nakapalibot dito ay kanin, chicken lollipop, Filipino sweet spaghetti, fish fingers, at adobo

No photo description available.
Ilang mga desserts na nakahain: leche flan, cake, bico, at fruit salad




Image may contain: 3 peopleAng aking mga tita at tito noong Noche Buena

Pagkatapos kumain ay nagsasama ang buong pamilya sa sala para magvideoke at magkwentuhan hanggang magdamag. Dahil karamihan sa pamilya ay mga overseas workers, ang pagdiriwang ng Pasko ay isang oportunidad din para mag-usap ang mga kamag-anak sa isa't-isa. Nakakapagbonding din ang mga magpipinsan na matagal nang hindi nagkikita-kita. Nakakatanggap din ng pera mula sa mga bagong uwi na overseas workers na kamag-anak ang mga kabataan sa pamilya. Ito rin ang panahon kung saan nagpapalitan ng mga regalo ang isa't-isa. Sabay-sabay naming sinasalubong ang Pasko.

Hindi natatapos ang Paskong Pilipino pagkatapos ng araw ng Pasko. Taon-taon, tuwing ika-26 ng gabi ay pumupunta kami sa Ayala Triangle sa Makati para panoorin ang Festival of Lights. Dito ay nakakapagrelax at bonding kaming pamilya.

Si Dad, ako, at si Kuya sa Festival of Lights sa Ayala Triangle

Ang Pasko sa Pilipinas ay tumatagal ng limang buwan. Mula Septyembre hanggang Enero ay mararamdaman mo ang Christmas Spirit sa iyong palibot. Napakasaya at nakakataba ng puso makita ang mga ngiti ng isa't-isa tuwing Pasko.


No hay comentarios:

Publicar un comentario